Maraming nagtatanong kung paano ba nagkakaroon ng panlasa ang ating dila. Kapag ikaw ay nakanganga may makikita kang maraming bilog na maliliit sa iyong dila, tinatawag itong “Fungiform papillae†at ang bawat isa nito ay mayroong nakatanim na anim na taste buds. Sa pamamagitan ng taste buds, nalalasahan natin ang pagkain. Hindi lang din nasa dila ang taste buds, mayroon din nito sa iyong ngalangala, lalamunan at mismong sa tiyan. Hindi magkakaparehas ang dami ng taste buds ng isang tao. Ang isang pangkaraniwang adult ay mayroong 2,000 hanggang 10,000 taste buds. Ang mga taong may higit na 10,000 taste buds ay kinokonsiderang mga “Super tasters†.