Mga gabay upang makaiwas sa Osteoporosis
1) Sapat na ehersisyo upang makaiwas sa sakit na ito para palakasin ang mga kalamnan at magkaroon ng balanseng pangangatawan. Umiwas sa mga ehersisyo na maaring makasama sa mga mahihina ng mga buto. Ang mga pasyenteng edad 40 pataas at may mga sakit sa puso, labis na katabaan, may diabetes at may alta presyon ay kailangang sumangguni sa kanilang mga duktor na makapagbibigay ng gabay para sa tamang ehersisyo.
2) Huminto sa paninigarilyo. Nasa 5% hanggang 10% ang nawawala sa kabuuang bigat ng buto kung tayo ay naninigarilyo ng isang kaha bawat araw. Nagdudulot ito ng pagbaba ng estrogen sa mga kababaihang naninigarilyo.
3) Bawasan ang pag-inom ng alak at kape. Wala pang malinaw na resulta na mga pag-aaral na nag-uugnay sa osteoporosis at sa pag-inom ng alak at mga inumin o pagkaing may caffeine, mas makabubuting mag-ingat at bawasan na lamang ang pagkonsumo ng mga ito.
4) Uminom ng mga food supplement na maaÂring magpatibay sa ating mga buto. Kabilang ang calcium na maaring inumin upang tumibay ang ating mga buto. Ang mga pagkain at inuming mayaÂyaman sa calcium ay nakakatulong sa pagbuo ng malakas na mga buto. Mainam din ang calcium sa mga taong nahihirapang dumumi.
5) Ang Vitamin D ay tumutulong upang masipsip ng bituka ang calcium. Kung walang Vitamin D, maaaring magkaroon ng osteomalacia o ang pagkawala ng calcium sa mga buto. Sa tuwing nasisilayan ng araw ang balat, kusang gumagawa ng Vitamin D ang katawan. Nakatuon sa pagpigil sa patuloy na pagnipis ng mga buto ang paglunas sa osteoporosis.