ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na mayroong 205 uri ng owl o kuwago? Nabubuhay din ang mga kuwago sa pamamagitan ng pagkain ng maliliit na insekto at hayop gaya ng daga, ibon at rabbit. Hindi nila nginunguya ang kanilang pagkain dahil hindi gaya ng ibang uri ng ibon, sila ay walang ngipin. Sa halip, nilulunok nila ng buo ang kanilang maliliit na pagkain, habang pinipira-piraso naman ang mga malalaking hayop na kanilang nahuhuli. Hindi naman kayang pagalawin ng kuwago ang mata nito dahil magkadikit ang eyeball nito sa kanyang eye socket. Kaya kinakailangan pagalawin paikutin ng kuwago ang buong ulo nito para tingnan at makita ang mga bagay na nasa kanyang kaliwa o kanan. Maaari nilang paingayin o patahimikin ang kanilang pakpak habang sila ay lumilipad. Ang kuwago ay bahagi rin ng sining gaya sa France at Egypt 15,000-20,000 taon na ang nakararaan. Sumisimbolo ang kuwago sa kamalasan, pagkamatay, yaman at katalinuhan.

Show comments