‘Perfectionist’ ba ako?

Dear Vanezza,

I’m 32 years old at single pa rin dahil naging pihikan ako. Nagkaroon naman ako ng dalawang bf noong araw pero hindi sila nagtagal. Ako ang nakipag-break dahil laging may hindi ako nagugustuhan. ‘Yung una mahilig magkamot ng katawan sa alanganing lugar at yung isa may bad odor at nginangatngat ang kuko. Magmula noon kinikilatis ko na ang mga nanliligaw sa akin at kapag may nakita akong hindi ko gusto sa kanila ay dinidispatsa ko na. Saan kaya ako makakakita ng Mr. Perfect ng aking buhay? - Eza

Dear Eza,

Kung perfect na bf ang hanap mo wala kang makikita. Lahat ng tao ay may kapintasan. Hindi ba’t may kasabihan na “love covers a multitude of imperfections”. Ibig sabihin kung may kapintasan man ang tao ay hindi na ito papansinin ng tunay na nagmamahal sa kanya. Isa pa, kung talagang perpekto ang gusto mo, dapat perpekto ka rin. Kung natitiyak mong ikaw ay walang kapintasan sige maghanap ka ng taong makakatugma sa iyo. Pero kung ayaw mong tumandang dalaga, dapat mong baguhin ang ganyang mindset. Isipin mo na lang, paano kung ang bf mo naman ang mag-isip sa’yo ng gaya ng iniisip mo? Hindi ba masasaktan ka at maiinsulto?

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments