^

Para Malibang

Insecure sa boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I’m 14 years old at maagang nagka-bf. Varsity player po siya sa aming school. Matangkad, pogi at magaling sa basketball kaya mara­ming nagkakagusto. Pero kapag dinudumog siya ng ibang babae ay nagseselos ako. Inaaway ko talaga ang bf ko. Gusto ko ay ako lang ang pagkakaabalahan niya. Kahit sinasabi niyang ako lang ang mahal niya ay nai-insecure ako. Minsan ay may inaway akong babae sa school. Kasi niyakap niya at hinalikan ang bf ko. Nasampal ko siya at ‘dun kami nagsimulang magsabunutan. Pareho kaming na-guidance. Ano po ang gagawin ko para mawala ang insecurity ko? - Azel

Dear Azel,

Kumuha ka ng sikat at guwapo, that is the price you have to pay. Pero hindi ka dapat ma-insecure kung sa dinami-dami ng magagandang babae sa inyong school ay ikaw ang napili ng bf mo. Dapat maging proud ka pa nga. Okay ang pagseselos na nasa lugar. Pero kung sumosobra, delikado iyan. Nagbibigay iyan sa tao ng kahihiyan katulad ng ginawa mo sa isang fan ng bf mo. Alisin mo ang pagseselos na wala sa katuwiran. Kung hindi, baka mapuno ang siyota mo at iwanan ka.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALISIN

ANO

AZEL

DAPAT

DEAR AZEL

DEAR VANEZZA

INAAWAY

KAHIT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with