Bumaon ang traysikel sa lupa

Panaginip:Lumubog ang aking traysikel sa kumunoy na nasa gitna ng kalye. Hinatak ko ang traysikel pero lalo itong bumabaon sa lupa habang hinahatak ko. Hindi ko matanggap na hihigupin lang ng lupa ang traysikel dahil hindi ko pa ito natatapos hulugan sa Bombay.

Interpretation: Pinipilit mong mabago ang iyong sitwasyon pero wala pa rin improvement. Nevertheless, sa tulong ng pagdadasal ay may pag-asa ka pa, basta’t huwag titigil sa pagsisikap na mapaunlad ang sarili.

 

Show comments