Neglected housewife
Dear Vanezza
Just call me Girly, 25 years old at avid reader of your column. Gusto kong isangguni ang aking problema. I have been married for almost five years at wala kaming anak. Isang busy body ang husband ko being a businessman na walang inatupag kundi negosyo to the point of neglecting his obligations to me. He is already 47 years old. Marahil dahil sa pangangailaÂngan kong makaÂdama ng pagmamahal, I found a guy who became my lover. Six months na ang aming relasyon at katunayan, natsi-tsismis na kaming dalawa. Ewan ko kung may inkling na ang aking mister pero parang he doesn’t care at all. Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyong ito?
Dear Girly,
Dapat mong putulin dahil ito ay mali at kasalanan. Kung mayroon kang problema sa iyong asawa, mag-usap kayo. Hindi malulutas ang problema kung hindi n’yo bubuksan ang line of communication. Sa inyong pag-uusap, open up your heart. Sabihin mo ang mga bagay na nagiging sagabal sa inyong maayos na pagsasama para ito ay ma-correct. Trying to correct something wrong with another error is futile. Lalo lamang itong magpapalubha sa problema.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest