Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa alyas Boy, 26 anyos at isa pa ring binata. Lahat ng babaeng minahal ko ay nakipag-break sa akin. Mahal na mahal ko sila. Hindi ko maunawaan kung bakit matapos lamang ang ilang buwan ay inaayawan na nila ako. Ano kaya ang aking pagkukulang? Kung tatanungin ko sila ay wala naman silang masabing dahilan. May itsura naman ako. Umaasa ako na matutulungan mo ako sa aking problema.
Dear Boy,
Posibleng may personality disorder ka. Yun bang ugali na sa umpisa’y hindi nakikita pero katagalan ay lumalabas at kinayayamutan ka. Kung mayroon kang mga close friends, sila ang tanungin mo. Ano ba ang ugali mong kinayayamutan? Palagay ko ay hindi ipagkakait ng iyong mga malapit na kaibigan ang kanilang tulong sa iyo para ma-correct mo ang dapat ayusin sa iyong ugali.
Sumasaiyo,
Vanezza