ANG PULITIKONG nais kumontra sa multo ay hindi nakarating sa Antipolo para bumili ng scapular at rosaryong benditado. Bigla itong tumakbo sa highway at sumalubong sa 10-wheeler—matapos magsisigaw na ito’y nandambong ng 170 milyones, gaya ng sakdal.
KLAP-KLAP-KLAPP. Nagpalakpakan ang mga taong nakasaksi. Tuwang-tuwa pa sa pagpapakamatay ng tiwaling pulitiko.
Pero sina Aling Inday at Mark ay labis nang nanlulumo. Hindi nila nagugustuhan ang ‘pagpapakamatay’ ng mga suspect na politicians.
“M-Mark…lalong nababaon sa kasalanan ang anak ko…â€
“Aling Inday, tutuloy ho tayo sa simbahan. Doon n’yo pakiusapan nang husto si Arlene. Tutulong ho ako sa pakikiusap…â€
Ang multo ni Arlene ang pakikiusapan nila; pilit nilang gigisingin sa tama ang dalagang sinasakop ng galit sa mga mandarambong ng bayan.
Nakita nila sa pinangyarihan ng suicide ang taga-media na nag-i-interview. “Ano po uli ang sigaw ng nagpakamatay, manang?â€
“Kuwan po—Inamin niya sa multo at sa mga tao sa paligid na nangurakot siya ng higit sa 160 million pesos po!â€
“M-Meron pong multo ‘kanyo…?â€
“Iyon po ang ulit-ulit na sabi ng nagpakamatay, bosing! Hindi po ako ang nagsabi!â€
“T-tara na sa simbahan, Mark,†naiilang na yaya na ni Aling Inday. Kung alam lang sana nila—na si Arlene, ang multo nito, ay nasa pinangyarihan ng suicide, nakatingin sa labi ng pulitikong corrupt. “One less bad banana…isang salot na naman ang nabawas sa bansa,†sabi ni Arlene sa sarili, sa isip lamang. Sinundan niya ang boyfriend at ang nanay. “Ako ang sadya nila. Hindi ko gustong sila ay nababagabag…†Lumipad si Arlene sa tapat ng kotseng paakyat na sa makasaysayang lugar. Hindi niya mahulaan kung ano ang saktong kailangan sa kanya ng dalawang nagmamahal. SA harap ng altar niya narinig ang usal at dasal nina Aling Inday at Mark. “Arlene, anak, bakit kailangan mo silang patayin? Bakit hindi mo na lang utusang umamin at isoli sa kaban ng bayan ang mga kinurakot?â€
“Ang mga taong sangkot ay walang kunsensiya, Inay. Masahol pa sila sa mababangis na hayop sa gubat! Pinapatay ang walang kunsensiya!†diin ni Arlene pero hindi naman narinig. (ITUTULOY)