BIGLANG nagbaril sa ulo ang pulitiko habang nagsasalita sa entablado-- matapos umamin na ito’y corrupt. Patay agad ito.
Sabihin pa’y yanig na yanig ang mga nakasaksi sa miting de abanse.
Laluna si Mark na boyfriend ni Arlene. “Oh my God! A-ano’ng nangyari?â€
Napakaimposible na ang tulad ng beteranong pulitiko ay kusang aamin sa kasalanan at biglang magpapakamatay— sa harap ng mga tao!
“P-para siyang nawala sa sarili kanina…bago nagbaril sa ulo…†Hindi talaga makapaniwala si Mark, gaya rin ng mga tao doon.
Ang mga kapartidong nasa entablado ay parang mga naluging tsekwa. Gusto nilang sisihin ang pambatong pulitiko. Tiyak kasing pati sila ay hahatulan ng mga tao bilang mga tiwali; hindi sila iboboto.
Headline ang nangyari. Nakabandera sa iba’t ibang pahayagan.
VETERAN POLITICIAN KILLS SELF
NAGBARIL SA SARILI SI GOV
“I’M CORRUPT†CONFESSES EX-LAWMAKER
NAG-SUICIDE SA MITING DE ABANSE
Nag-report sa puntod ni Arlene si Mark. “Babe, alam mo na bang nagbaril sa sarili si Governor? Milagrong inamin niya sa publiko ang kanyang mga kasalanan…â€
Para kay Mark, ang pangyayari ay nakalulugod. At least daw ay nabawasan ng isang masamang pulitiko ang bansa.
“Arlene, parang nagkatutoo ang wish mo noon—na sana ay magpakamatay ang corrupt sa pamahalaan…†bulong pa ni Mark sa libingan ng nobya. “Malay mo, magkagayahan sila…matutuwa ang taumbayan…
“Ako, ang gusto ko’y mahuli ang assassin at ang mastermind sa pagpatay sa iyo…â€
WALANG lead ang mga imbestigador sa kaso ni Arlene. Ang tiyak lang ay politically motivated ang pagbaril sa batambatang dalaga; marami itong nasagasaan sa paglaban sa korupsyon.
Dinalaw ni Mark ang mga magulang at kapatid ni Arlene. Nagluluksa ang mahirap na pamilya.
“Lumaki sa karukhaan si Arlene namin, nagsikap, nakatapos ng college, nanindigan sa tama—‘yun pala’y mapapatay lang. Bakit gano’n, Mark?†luhaang tanong ng nanay ni Arlene. (ITUTULOY)