^

Para Malibang

Alagaan ang iyong ‘Bird’

BODY PAX - Pang-masa

Last Part

Mga kabutihan ng paggugupit ng buhok sa paligid ng “bird”

1. Masarap sa pakiramdam

2. Nakakaalis ng hindi magandang amoy

3. Maiwasan ang pangangati

4. Nakakabawas ng pamamasa na nagdudulot ng yeast na pinagmumulan ng impeksyon

Karamihan sa mga kalalakihan ay nag sasabi  na kailangang kuskusin ang iyong “bird”  ng maigi upang matiyak  ang kalinisan. Pero ang gawing ito ay mali dahil isa ito sa bahagi ng kalalakihan na pinaka sensitibo kaya ibayong pag-iingat ang kinakailang sa paghuhugas ng “bird”. Gumamit ng sabong hindi gaanong matapang upang maiwasan ang iritasyon at rashes sa iyong “bird”. Panatilihing laging tuyo ang labasan ng ihi.  Gumamit ng maligamgam na tubig at lagyan ng konting asin. Kung may patuloy na pamumula at iritasyon ay kinakailangang kumunsulta agad sa iyong pinagkakatiwalaang doctor. Kung ang isang lalaki ay aktibo sa pakikipagtalik sa iba’t ibang partner marapat na magkaroon ng buwanang pag-check up sa iyong genental upang makatiyak ang kaligtasan sa “Sexually Transmitted deases”.

Isa rin ang bayag sa pinakasensitibong bahagi ng katawan ng lalaki. Narito ang ilan sa mga gabay sa pangangalaga ng bayag (scrotum) ng “bird”;

1. Iwasan ang masyadong masisikip na pang-ilalim na damit, salawal o pantalon.

2. Laging magsuot ng pang-ilalim na gawa sa telang cotton at nagbibigay suporta sa bayag.

3. Magpalit kung basa o napawisan ang pang-ilalim na suot.

4. Magsuot ng angkop na proteksyon  at suporta tulad ng athletic cups kapag may gagawing mabigat    na trabaho at lalahok sa mga palaro.

5. Kinakailangang obserbahan ang mga patak ng pagdidiskarga mula sa ari ng lalaki: ito ay maaaring maging makapal at madilaw o maaaring  ito ay matubig o bahagya lamang.

6. Pagbabago sa amoy (masansang na amoy) o kulay ng semen

7. May nararamdamang kirot habang nakikipagtalik o kapag umiihi o nag-e-ejaculate

8. May nararamdamang kirot o pananakit sa pelvic area.

9. Chancer sores (mga red sores na hindi masakit) sa genetal area, anus, dila at lalamunan

10. Kulay-balat o mamula-mulang bukol, sores o maliliit na sugat sa balat ng ari na maaaring makati at maaari rin namang hindi ito makati.               

11. Maliliit na blisters na maaaring maging scabs o mala-gilas sa genetal area

12. Malalambot, kulay-balat, mala cauliflower na warts sa palibot ng genetal area.

 

 

GUMAMIT

ISA

IWASAN

KARAMIHAN

KINAKAILANGANG

KULAY

LAST PART

SEXUALLY TRANSMITTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with