Naghahanap ng pagmamahal
Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang Vic, 40-anyos. Hindi naging faithful sa akin ang aking asawa. Matapos ang 5-taon naming pagsasama ay sumama siya sa ibang lalaki. Apat na taon na kaming hiwalay ngayon. Naiwan sa akin ang kaisa-isa naming anak. Sinisikap ko na lang na itaguyod mag-isa ang aking anak kahit mahirap. Mayroon siyang yaya dahil kailangan kong magtrabaho. Ayaw ko na sanang makipagrelasyon muli pero kung minsan, for practical reasons ay iniisip ko iyan. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Dear Vic,
Sa pag-aasawang muli, ilang bagay ang dapat mong ikonsidera. Are you doing it for love or simply to have a helpmate sa pagtataguyod ng iyong pamilÂya? Sa pag-aasawa, kailangang may element ng pag-ibig. Kung wala, makabubuting manatili ka na lang bilang single father. At kung hindi annulled ang iyong kasal, magiging labag sa batas kung magpapakasal kang muli. Timbangin mo ang mga bagay na yan bago magpasyang mag-asawa muli.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest