B. Kailan isinasagawa ang NewbornScreening?
Ang Newborn Screening ay isinasagawa sa loob ng isa hanggang dalawang araw matapos maipanganak. Kung gusto namang makasiguro, maaaring ipaulit ang Newborn Screening test makalipas ang dalawang linggo.
C. Ano ang iba’t-ibang sakit na maaaringmalaman sa pamamagitan ng NewbornScreening?
1. Congenital Hypothyrodism
– Ito ay isang kondisyon kung saan kakaonti o walang Thyroid hormone na mahalaga para sa pagdebelop ng isip at pangangatawan ng isang sanggol.
Kapag hindi ito agad naagapan, maaa ring magkaroon ng mga komplikasyon gaya ng maÂbagal na proseso ng paglaki at mental retarÂdation o kakulangan sa wastong pag iisip.
Mga sintomas ng Congenital Hypothyrodism:
a. Sobrang pagtulog ng sanggol
b. Kawalan ng interes sa pagsuso.
c. Nakikitang hindi maliksi ang sanggol sa paggalaw.
d. Mahinang pag-iisip
e. Mababang tono ng pag-iyak
f. Matinding paninilaw ng balat o Jaundice
g. Mababang temperature o Low BodyTemperature
2. Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) - Tumutukoy ito sa endocrine disorder na nagdudulot ng salt deficiency at dehydration. Mataas din ang male sex hormone ng sanggol na mayroon nito. Kapag hindi agarang nalunasan, mamamatay ang sanggol isa o dalawang linggo matapos ang kanyang kapanganakan.