^

Para Malibang

‘Mahal ko pala siya’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mayroon ako dating persistent suitor. At first hindi ko siya type. Sabi ko pa nga sa friend ko, wala siyang maaasahan sa akin. Hindi naman kasi siya guwapo. 3 months siyang nagtiyaga at siguro ay nagsawa rin siya. Tinigilan na niya ako. May halos one month na siyang nag-detach sa akin. Pero totoo pala ang kasa­bihan na hindi mo mare-realize ang value ng isang bagay hangga’t hindi nawawala sa’yo. Ngayon ay nami-miss ko siya. Para akong nasasabik sa kanyang mga ipinapadalang love notes at flowers. Mahal ko na kaya siya? Paano ang gagawin ko para magbalik siya sa panliligaw sa akin? - Gandara

Dear Gandara,

Kung minsan may mga bagay tayong nagagawa na sa dakong huli ay pinagsisisihan natin. Siguro kapag nagkakasalubong kayo ay ngitian mo siya. Try to win his friendship without showing na naghahabol ka sa kanya. Hindi rin naman ito guarantee na babalik siya sa’yo pero it’s worth trying. Kaya aral ito sa mga babae. Kapag may nanliligaw, open your mind.

Maaaring ngayon ay hindi mo gusto ang iyong suitor, pero dahil sa ipinakikita niyang ugali ay magugustuhan mo. Give yourself time to confirm kung mahal mo nga o hindi ang isang manliligaw para walang panghihinayang sa bandang huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR GANDARA

DEAR VANEZZA

GANDARA

KAPAG

KAYA

MAAARING

MAYROON

NGAYON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with