^

Para Malibang

‘The Kiss’ (38)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINDI naglalaho ang bisa ng holy water ng  Diyos, Sam!”

“Pero Father, lalong uminit ang katawan ni Natalie-- para nang umaapoy!”

Inilapit ni Sam ang kanyang panyo sa mukha ng bangkay na nabuhay, nais patunayan ang sinabi.

Blabb. Nagliyab agad ang panyo, napilitang bitiwan ni Sam.

“Hindi ko lang siguro napagbuti ang wisik at dasal, Sam! Uulitin ko!”

Bigla ang pagdating doon ng vampire, dumagundong. Blagadagg.

 â€œNagsasayang kayo ng panahon! Ako lang ang may kapangyarihan ngayon kay Natalie!” sigaw ni Vincento, bihag pa rin ang kaluluwa.

Napipi na yata sa sindak sina Sam at Father Renzo.  Bukod kasi sa vampire, nakikita nila ang kaluluwang bihag nito.

Nakilala ni Sam. “N-Natalie?”

“Oh my God! Sam! Ikaw nga si Sam!” Nakilala rin ng kaluluwa ang dating kasintahan.

“Ililigtas kita, Natalie! Kayo ng katawang lupa mo!”

Pinagbabaril ni Sam ang vampire. BLAM. BLAM. BLAMM.

Katahimikan ang sumalit. Hindi makapaniwala si Sam na hindi man lang nasugatan ang vampire. Nanatili itong nakatayo, buhay na buhay.

“Lumayas kayo rito, ngayundin! Huwag ninyong abalahin ang ritwal na dapat maganap!” sigaw ni Vincento kay Sam at sa padre.

Nakabawi ng hinahon ang alagad ng Diyos. “Ikaw ang lalayas ngayundin, diablo!”   

Inilabas ng padre ang agua na nasa botelya, mabilis nang pinagwiwisikan ang vampire—kasama ang dasal.

Nasapol ng mga wisik ang vampire—sa mukha, sa ulo, sa katawan.

Sinabayan ni Sam ng muling pagpapa­putok kay Vincento.

BLAMM. BLAAMM.

Nagtawa lang ang vampire, mabilis nang inilipad ang binuhay na bangkay pati na kaluluwa nito. “Ha-ha-ha! Mga inutil!”

 Naiwang takang-taka sina Sam at Father Renzo.

May natuklasan. “Mali pala ang naiwisik ko, Sam—botel­ya ng lens cleaner. Itong hawak ko ang tunay na holy water.” (SUBAYBAYAN)

vuukle comment

DIYOS

FATHER RENZO

IKAW

NAKILALA

NATALIE

PERO FATHER

SAM

VINCENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with