“SAM, ‘yang pagmamaneho mo ang tutukan mo, baka tayo mabangga! Ako ang bahalang tanawin sa paligid si Natalie!†sabi ng padre. Madilim ang gabi, walang kuryente sa Pugad-Lamok.
Bruuummm. Ayaw magmenor ni Sam, dama niya talaga na nasa paligid lamang ang nobyang nabuhay.
SKRIIITS.
Biglang preno si Sam. Napasubsob-nauntog ang padre. “Aray ko!â€
“Father Renzo, hayun si Natalie!â€
Nasa harapan halos ng sasakyan ang bangkay na nabuhay, natatanglawan ng headlights.
Napaigtad ang padre, hindi makapaniwala. “B-Buhay nga siya…nabuhay s-si Natalie, Sam...â€
Nakatayo pa rin sa kalye si Natalie, nagtatakang nakatitig sa sasakyan. Hindi kayang unawain ng isip ang mga pangyayari.
Mabilis nang lumabas ng sasakyan si Sam, dala ang elephant gun.
Duda niya’y nasa paligid din ang vampire.
“Sasamahan kita, Sam!†dala ng pari ang prayer book at agua bendita.
Ikinasa ni Sam ang sandata. KATSAK.
Tinantiya niya si Natalie. “N-Natalie, narito na ako…si Sam…â€
Ang padre ay nakamasid, pigil ang hininga sa kababalaghang nasasaksihan. “W-wala siya sa sarili, Sam.â€
Masuyong hinawakan ni Sam sa mukha ang nobya.
“Aaaahh!†sigaw ng binata, halos natumba. “Nakakapaso siya, Father! Parang apoy sa init!â€
“Dahil alipin siya ng diyablo, Sam! Hindi na siya normal!â€
“Wisikan mo siya ng agua bendita, Father, please!â€
Winisikan nga. Kasama ang dasal.
Nabasa ng banal na tubig ang ulo at mukha ni Natalie. Umusok.
Pero lalong nadama ng dalawang lalaki ang init na halos apoy; sa katauhan ni Natalie.
“F-Father, baka po expired na ang inyong…?â€
“Sam, hindi kailanman nag-e-expire ang holy water ng Diyos! Gagapiin natin ang Diablo!†ITUTULOY.