Anong epekto ng mercury sayo?

Last Part

Paano mababawasan ng isang indibiduwal o pamilya ang panganib ng pagkakalantad sa mercury?

Maingat na isagawa at itapon ang anumang bagay na mayroong mercury, tulad ng termometro, ilaw na fluorescent o napasong gamot. Pagbawalan ang mga anak na maglaro ng mercury. Huwag din subukan na sunugin ang mercury o mga basurang mayroong mercury, sapagkat sa pagsunog nito ay makakapagpakawala ng masamang singaw sa hangin na siyang dahilan ng higit na pagkalantad sa kemikal.

Ano ang magagawa ng isang indibidwal kung sakaling magkaroon ng pagtapon o pagtagas ng mercury?

Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng pag-lilinis ng tumapon o sumingaw na mercury:

Umalis sa lugar na natapunan. Ilikas ang lahat, lalo na ang mga bata at alagang hayop mula sa nasabing lugar, upang hindi kumalat ang mercury.

Babaan ang temperatura sa pamamagitan ng pagtuon ng termostat sa mababa. Habang malamig ang temperatura, mas kaunting singaw ang makakawala sa hangin. Isarado ang central ventilating o air conditioning systems na maaaring magpakalat sa hangin mula sa pinangyarihan papunta sa ibang bahagi ng kabahayan o gusali. Buksan ang mga bintana o iba pang pintuan upang ang hangin mula sa labas ay makapasok sa silid. Bago linisin ang natapong mercury, tanggalin ang mga alahas sa mga kamay upang hindi dumikit ang mercury sa anumang metal. Magpalit ng lumang damit at sapatos na maaari ng itapon sakaling makontamina ng mercury. Magsuot ng mga gomang guwantes at  salaming pamprotekta ng mga mata. Pigilin ang pagtagas o pagtapon sa pamamagitan ng paglalagay ng masking tape o duct tape sa paligid, upang makulong ang mercury bago linisin.

Pulutin ang anumang makikitang tumulong mercury sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang matigas na papel  sa pagtipon ng mga tulo at pagkatapos ay sandukin ito. Maaari ring gumamit ng eye dropper sa pagkuha ng mga tulo.

Ilagay ang mga nabasag na bagay at lahat ng mga ginamit  na panlinis ng mercury sa isang plastik na lalagyan o zip lock bags. Siguruhing selyado ang pinaglagyan.

Matapos linisin ang mga kalat, hayaang tuluyan na mahanginan ang silid o natapunang lugar ng hangin mula sa labas sa loob ng dalawang araw.

 

Show comments