Lahat sila’y taksil...

Dear Vanezza,

Ako si Lonely Boy, 33 years old at laging sawi sa pag-ibig. Tatlo na ang babaeng naka-live-in ko. Minahal ko silang lahat pero ang isinukli nila ay kataksilan. Ang una kong kinasama ay nakilala ko sa club. Isa siyang GRO. Anim na buwan lang kaming nagsama ay sumama siya sa ibang lalaki na mapera. Naisip ko na pera lang ang habol ng babaeng ito. Ang pangalawa ko ay hiwalay sa asawa. Isang taon din kaming nagsama pero nagkahiwalay kami nang balikan siya ng kanyang mister. Pero nabalitaan kong sumama naman siya sa ibang lalaki. Ang pangatlo kong naka-live-in akala ko’y magtatagal kami. Siya ang pinakamahal ko sa lahat pero tulad din siya ng iba. Iniwan ako nang may nanligaw sa kanyang mas bata sa akin at mas guwapo. May maganda naman akong trabaho pero talagang malas yata ako sa pag-ibig. Gabi-gabi’y umiinom na lang ako at kahit panandalian ay sumasaya ako sa piling ng mga GRO. Ayaw ko nang umibig kung hindi lang ako makakatagpo nang babaeng marangal. Sana’y matulungan mo ako.

Dear Lonely Boy,

Tatlong beses ka nang nagkaroon ng partner pero puro live-in. May GRO at may hiwalay sa asawa. Wala kang tibay na maaasahan kung ganyan ang mga relasyong pinapasukan mo. Paano ka makakatagpo ng babaeng marangal at may pagpapahalaga sa kasal kung ang alam mo lang tambayan ay beerhouse. Lawakan mo ang iyong ginagalawan at ‘wag daanin sa pag-inom ang paglutas sa problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments