Gustong ipakasal kahit hindi niya mahal

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Kate, 20. May boyfriend po ako. Mula high school ay kami na. Pero ipinagkakasundo ako ng aking mga magulang sa isang lalaking hindi ko mahal. Gusto ng mga magulang ko na ikasal kami sa May next year. Nang malaman ko ito ay sinabi ko agad sa bf ko. Niyaya niya akong magtanan. Pero natunton kami ng mga magulang ko. Puwersahan nila akong pinauwi at gusto ng magulang ko at mga magulang ng lalaking ipinipilit sa akin na ikasal na kami agad ngayong December. Ano po ang gagawin ko?

Dear Kate,

Bata ka pa sa edad na 19 pero nasa legal age ka na para igiit ang gusto mo. Ipaunawa mo sa mga magulang mo na ikaw ang makikisama at kaligayahan mo ang nakataya. Ang tungkulin ng mga magulang sa mga anak na nasa edad na ay magpayo lang at hindi kontrolin ang kanilang buhay. Kausapin mo rin yung lalaking inirereto sa iyo at kumbinsihing huwag ituloy ang inyong kasal dahil hindi kayo liligaya kung walang pag-ibig sa isa’t isa.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments