NALIGALIG nang husto si Father Renzo at ang mag-asawang Clara at Tony. Wala sa bawat sulok ng musoleo si Natalie. Ang naroon ay si Sam na hindi naman makausap, tingin nila’y natulala; na-shock.
ANG totoo, si Sam ay labis na nabigla sa bilis ng mga pangyayari.
Ayaw niyang isipin ang naganap kay Natalie; ang nais lamang niyang maalala ay ang mga sandaling kapiÂling niya ang nabuhay na nobya.
Kusang nagbalik ang naganap, bawat detalye…
“TAYO na nga uli ang magkasintahan, ha, Natalie? Nabuhay ka para ituloy ang ating pag-ibig. Tinawid mo ang kabilang buhay para magbalik sa akin!†maemosÂyong sabi ni Sam, yakap nang mahigpit ang dalaga.
Nalimutan na ni Sam ang pangambang baka maging bampira si Natalie; na ito’y babalikan ng misteryosong lalaking nanghalik dito noon.
Nabubulagan si Sam sa tindi ng pag-ibig. “I love you, Natalie. Oh God I really love you so much…â€
Ngiting mahinhin lang ang tugon ni Natalie sa mahabang sinabi ng binata. Hinaplos ni Sam ang buhok nito, inamoy ang katawan ni Natalie.
“Hindi ka amoy bangkay, mahal ko… buhay na buhay ka na nga.â€
Parang walang narinig si Natalie. Kumawala ito sa pagkakayaÂkap ni Sam. NagpalaÂkad-lakad, pakaladkad ang tsinelas. Tsikizz…tsikizz…
Naghahanap ng siwang si Natalie—sa pinto at sa bintana ng saradung-saradong musoleo.
Nakaunawa si Sam. “Gusto mong…lumabas?â€
Merong problema kapag nakalabas si NataÂlie, biglang naisip ni Sam. Kababalaghan ang pagkabuhay ng dalaga. Mabubulabog ang tao.
“Natalie… kumplikado. Dapat ko munang isangguni k-kay Father Renzo, pati sa parents mo…†litong sabi ni Sam.
Doon tinapos ni Sam ang balik-alaala. Ayaw na niyang alalahanin ang malagim na sumunod. Hindi siya magsasalita. Mananatili siyang nasa sariling mundo.
NGAYON nga’y naliligalig ang parents ni Natalie at si Father Renzo.
“Tingin ko’y matinding shock ang inabot nitong si Sam, kailangang dalhin sa ospital. Baka sakaling kapag nagamot, saka niya sasabihin kung ano ang nangyari,†sabi ng pari. (ITUTULOY)