Pagkaing pang-ehersisyo

Maraming nagnanais na magkaroon ng magandang katawan, maging babae man o lalaki. Kaya lang hindi gaganda ang iyong katawan kung puro exercise lang sa gym ang gagawin mo. Dapat mong samahan ng tamang pagkain ang iyong pag-eehersisyo.  Ayon sa mga gym-expert,  makabubuti kung kakain ka muna tatlo hanggang apat na oras bago ka mag-ehersiyo at dapat na ito ay “light meal” lang.  Narito ang mga pagkaing dapat mong kainin bago ka mag-work-out:

Kainin ang mga sumusunod na pagkain 3-4 na oras bago mag-ehersisyo:

• Kaunting baked potato at beans na may kaunting keso.

• Anim na crackers at isang hiwa ng keso at isang saging.

• Lugaw at saging.

• Kalahating tasa ng kanin, gulay at kaunting baboy.

• Pasta at sauce gaya ng spaghetti

• Dalawang hiwa ng toasted bread na may peanut butter at kombinasyon ng saging

Kainin  bago mag-ehersisyo 1-2 oras:

• Isang slice ng toast na may jam

• Oat bar

• Isang slice ng fruit cake

• Isang pirasong prutas

• Cereal bar

• Fruit yogart

Kapag ikaw ay nag-eehersisyo, kailangan mo din na uminom ng maraming tubig o mga energy drink para matiyak mo na hindi ka manghihina.

 

Show comments