WALANG direktang blessing ng mga magulang ni Natalie ang pagtulog ni Sam sa loob ng musoleo sa gabi, sa presencia ng bangkay na hindi naaagnas. Gayunma’y hindi rin pinigilan ng mga ito ang binata sa pagbabantay; hindi matutulan ang pag-ibig ni Sam kay Natalie.
Sa unang gabing ito ng pagtulog ni Sam sa tabi ng kabaong ni Natalie, buo ang loob ng binata.
Nakahanda ang kanyang baril. Handa rin sakaling muling didilat ang nobya; hindi na matatakot kay Natalie.
In fact, handa si Sam na kausapin ang dalaga.
“Ganito kita kamahal, Natalie,†bulong ni Sam habang sinasakop na ng antok. Lampas na ang hatinggabi.
Tahimik ang paligid, walang babala ng anumang magaganap.
Zzzzz. Ngoorrk. Tinalo na nga ng antok ang binata.
Wala nang kamalayan sa takbo ng mundo. Zzzzz.
May nilalang na unti-unting gumalaw, nagmulat ng mga mata.
Si Natalie. Nakikiramdam.
Mayamaya pa’y nagsimulang umalis sa kabaong, buong ingat, ayaw makalikha ng ingay.
Pero lumikha ng banayad na ingay ang kanyang tsinelas; pakaladkad ang paghakbang. Tsikizzz. Tsikizzz.
Sumalit ang katahimikan. Huminto si Natalie, nakuntento sa pagtunghay sa lalaking tulog na tulog pa rin.
NAALIMPUNGATAN si Sam, nagising.
Ang nabuglawan ng mata ay ang magandang nilalang na nakatunghay sa kanya, nakangiti.
“Oh my God! N-Natalie?†Kinilabutan si Sam. Siya ba’y nananaginip?
Hindi siya nananaginip, napatunayan ng binata. Tunay ang katauhang nakatunghay sa kanya. “Natalie…buhay ka…â€
Ngiting napakahinhin ang naging sagot ng dalaga. Bumangon si Sam, tumayo. Face to face sila ng nobyang yumao. Niyakap agad si Natalie. “I miss you so much…oh my God…â€
May init ang katawan ni Natalie; hindi malamig na bangkay. Hinagkan ni Sam sa mga labi si Natalie, maapoy, matagal. Nagbibigay naman si Natalie. “Natalie, talk to me. Tayo na ba uli, ha?†(ITUTULOY)