^

Para Malibang

‘The Kiss’ (17)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WALANG direktang blessing ng mga magulang ni Natalie ang pagtulog ni Sam sa loob ng musoleo sa gabi, sa presencia ng bangkay na hindi naaagnas. Gayunma’y hindi rin pinigilan ng mga ito ang binata sa pagbabantay; hindi  matutulan ang pag-ibig ni Sam kay Natalie.

Sa unang  gabing ito ng pagtulog ni Sam sa tabi ng kabaong ni Natalie, buo ang loob ng binata.

Nakahanda ang kanyang baril. Handa rin sakaling muling didilat ang nobya; hindi na matatakot kay Natalie.

In fact, handa si Sam na kausapin ang dalaga.

“Ganito kita kamahal, Natalie,” bulong ni Sam habang sinasakop na ng antok. Lampas na ang hatinggabi.

Tahimik ang paligid, walang babala ng anumang magaganap.

Zzzzz. Ngoorrk. Tinalo na nga ng antok ang binata.

Wala nang kamalayan sa takbo ng mundo. Zzzzz.

May nilalang na unti-unting gumalaw, nagmulat ng mga mata.

Si Natalie. Nakikiramdam.

Mayamaya pa’y nagsimulang umalis sa kabaong, buong ingat, ayaw makalikha ng ingay.

Pero lumikha ng banayad na ingay ang kanyang tsinelas; pakaladkad ang paghakbang. Tsikizzz. Tsikizzz.

Sumalit ang katahimikan. Huminto si Natalie, nakuntento sa pagtunghay sa lalaking tulog na tulog pa rin.

NAALIMPUNGATAN si Sam, nagising.

Ang nabuglawan ng mata ay ang magandang nilalang na nakatunghay sa kanya, nakangiti.

“Oh my God! N-Natalie?” Kinilabutan si Sam. Siya ba’y nananaginip?

Hindi siya nananaginip, napatunayan ng binata. Tunay ang katauhang nakatunghay sa kanya. “Natalie…buhay ka…”

Ngiting napakahinhin ang naging sagot ng dalaga. Bumangon si Sam, tumayo. Face to face sila ng nobyang yumao. Niyakap agad si Natalie.  “I miss you so much…oh my God…”

May init ang katawan ni Natalie; hindi malamig na bangkay. Hinagkan ni Sam sa mga labi si Natalie, maapoy, matagal. Nagbibigay naman si Natalie. “Natalie, talk to me. Tayo na ba uli, ha?” (ITUTULOY)

 

BUMANGON

GANITO

GAYUNMA

HANDA

NATALIE

SAM

SI NATALIE

TSIKIZZZ

ZZZZZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with