Dear Vanezza,
Sa edad kong 33 years old ay dalaga pa rin ako. Nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki. Tingin ko’y pare-pareho silang manloloko at mapaglaro sa pag-ibig. Sa apat na naging nobyo ko noong bata pa ako lahat sila’y ipinagpalit ako sa ibang babae. Masakit ang mabigo at nag-iwan ito ng malalim na sugat sa aking puso. Hanggang sa makilala ko si Leo. Matapos ang 2 buwang panliligaw ay sinagot ko siya. Boto sa akin ang anak niya. Pero natatakot ako. Baka katulad din siya ng ibang lalaki. Ano ang maipapayo mo sa akin? - Nimfa
Dear Nimfa
Ang nakalipas ay limutin mo na. Ang dahilan kung bakit desperado ang tao ay nabubuhay siya sa nakaraan. Bigyan mo ng tsansang maka-move on ang sarili mo. Hindi palaging puro masamang kapalaran ang nakalaan sa iyo. I’m sure kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na umibig muli, kaligayahan na ang nag-aabang sa iyo.
Sumasaiyo,
Vanezza