^

Para Malibang

Para magkaroon ng ‘sex mode’...

Ms. Jewel Ang - Pang-masa

Ang telang silk ay isa sa mga mamahaling tela. Ang hindi alam ng marami nakakatulong din ito upang magkaroon ng buhay ang isang kuwarto. Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang telang ito kapag ginamit bilang kobre kama o bed sheet ay nagbibigay buhay sa mga “senses” ng tao na ginagamit sa pakikipag-sex, lalo na sa mag-asawa. Isipin mo na lang ang sobrang kinis at lambot ng telang ito na kapag dumampi sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay makikiliti. Mas makabubuti kung ito ay iyong susubukan na gamitin. Narito pa ang ilang dapat gawin upang mas magkaroon ng epekto ang telang silk sa inyong “romance”.

Ang iyong nakikita – Bakit hindi mo surpresahin ang iyong partner sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang mga mata bago siya papasukin sa loob ng inyong kuwarto. Habang nakatakip ang mata ay saka mo ipakapa sa kanya ang inyong kama at pahigain siya dito, upang maramdaman niya ang sensasyon na hatid ng telang ito sa kanyang katawan

Ang iyong pandinig –  Mas magiging epektibo ang telang ito kung sasamahan ng “sweet music” gaya ng mga love songs at iba pa.

Pabango – Siyempre, ang telang ito ay mawawalan ng saysay kung wala itong aroma na magbibigay ng masarap na amoy sa ilong ng iyong partner. Mas mabuti kung sasamahan mo ito ng mga rose petals o wisikan ng pabango.

 

vuukle comment

BAKIT

HABANG

ISIPIN

IYONG

NARITO

PABANGO

SIYEMPRE

TELANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with