Isasakripisyo ko ba ang pag-aaral?
Dear Vanezza,
Ako po si Em-em, 19 years old. Mayroon akong bf na Chemical Engineer. Hindi pa ako graduate sa college habang ang bf ko ay professional na at may matatag na trabaho. Dalawang taon pa bago ako makatapos pero gusto ng bf ko na magpakasal na kami at magsama. Kapag nangyari ito, gusto na niyang huminto na ako sa pag-aaral. Ang gusto ng bf ko ay full-time housewife. Pero pangarap kong makatapos ng aking kurso sa Nursing dahil gusto kong magtrabaho sa abroad. Nang tanungin ko ang aking mga magulang, ang sabi nila sundin ko kung ano ang gusto ko. Nahihirapan ako dahil mahal ko ang bf ko pero hindi ko maisasakripisyo ang pag-aaral ko. Tulungan mo sana akong magpasya.
Dear Em-em,
Kung talagang mahal ka niya, dapat naman niyang hintayin na makatapos ka ng pag-aaral. Hindi lamang ang kanyang kagustuhan ang masusunod. Sa isang relasyon, mahalaga ang give and take. Tutal gagawin ka lang niyang full time housewife, bakit hindi pa niya pagbigyan ang pangarap mong makatapos sa kurso mong Nursing. Magiging unfair siya at makasarili. Mamili ka. Timbangin mong mabuti ang gagawing desisyon. You cannot have best of both worlds.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest