^

Para Malibang

‘The Kiss’ (7)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI masabi ni Sam sa mga sekyu ang personal na pag-aalala na baka ang lalaking foreigner ay si Natalie ang pakay; na baka ang lalaki nga ang nanghalik kay Natalie ten years ago.

“Kumusta nga po pala ‘yung bangkay sa musoleo, Sir Sam—hindi pa rin po ba nabubulok?” Alam ng mga sekyu ang tungkol sa dalagang hindi naaagnas.

Hindi naman na-offend sa tanong si Sam, alam na nakikibalita lang ang mga security guards ng private cemetery.

“Okay si Natalie, guards. No problem.”

“Siguro po’y magiging santa si Miss Natalie, sir.”

“Ewan  Ayokong isipin. Sapat na munang nananahimik sa musoleo ang labi ni Natalie. Bahala na sa mga susunod na araw.”

Umalis na sa sementeryo si Sam. Bruuum.

SA DILIM muling naglakad ang matangkad na lalaking nakita ni Sam, Tama ang binata, ang lalaki ay banyaga.

Guwapo ito, prominente ang soulful eyes. Misteryoso.

Suminghut-singhot ito, tila may inaamoy. Sniff. Sniff.

Naamoy agad nito ang pakay. Nasa gawing norte ng malawak na libingang iyon.

Zap. Kaybilis nitong nakalayo, halos kisap-mata.

Naiwasan ng lalaki ang mga sekyu na nagroronda.

“HINDI kaya aswang ang nakita ni Sir Sam, mga pare koy?” tanong ng isang sekyu.

“Tao daw, hindi Pinoy.”

“Pare koy, may kakayahang magbago ng anyo ang aswang.”

“Ewan. Wala akong maisip na posibleng pakay dito ng aswang; Walang buntis sa loob ng sementeryo.”

NASA bahay na si Sam, nasa harap ng computer. Alas-dose ng hatinggabi. Kinakalaban niya ang antok, kailangang tutukan ang on-line job.

Pasulyap-sulyap siya sa picture ni Natalie. Doon humuhugot ng inspirasyon ang nangungulilang binata.

“Kung puwede nga lang bang samahan kita sa pagtulog sa gabi, sa mismong musoleo, Natalie.”

Hinagkan niya ang larawan ng nobya. Tsup.  (ITUTULOY)

 

ALAM

AYOKONG

BAHALA

BRUUUM

EWAN

GUWAPO

MISS NATALIE

NATALIE

SIR SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with