MALAMIG na parang yelo ang bangkay ni Natalie, napapangising pagkumpirma kay Sam ng sepulturero ng memorial park.
Lihim na nakahinga nang maluwag si Sam, tama raw pala ang hula niyang siya ay nag-wild imagination lamang; hindi totoong mainit ang temperature ng hindi naaagnas na nobya.
“Sir, relax lang ho. Hindi naman itong si Miss Natalie lang ang hindi naagnas, marami nang iba pa.â€
“Gano’n, manong?â€
Tumango ang may-edad nang sepulturero. “Oho. Pero naagnas na rin matapos ma-expose sa labas ng hukay. Ibig sabihin e pansamantala lang hindi nabulok sa ilalim ng lupa.â€
Nagbalik na sa gawain ang sepulturero.
Napayapa sa loob ng musoleo si Sam. Muling minasdan nang buong pagmamahal si Natalie. Pero ibinalik na ang salaming takip ng kabaong nito.
“Rest in peace na, sweetie. Hindi mangyayari ang pangamba mo noon,†bulong ni Sam.
Hindi na naiwasan ng binata na balikan sa isip ang nakaraan. Ilang araw bago biglang namatay si Natalie ten years ago…
“Sam, hinarang ako sa dilim ng matangkad na lalaki!â€
Hinabol ni Sam ang lalaki pero hindi naman inabot. Ayon kay Natalie ito ay guwapo, makaluma ang pananamit pati pananalita. Hindi rin tiyak kung ito ay kung anong lahi.
“Niyakap niya ako, Sam, titig na titig sa akiÂng leeg…â€
Sumagi noon sa isip ni Sam ang horror moÂvies tungkol kay DraÂkula.
“Nais niya akong kagatin sa leeg, Sam, may pangil siya…â€
Hindi raw naman nakagat si Natalie dahil nagpipiglas ang dalaga.
Pero may iba raw nagawa ang lalaki, ayon kay Natalie.
“Nahalikan niya ako sa mga labi, Sam…â€
“Damn! I’ll kill him, Natalie!â€
“Babalikan daw niya ako after 10 years para muli akong halikan…â€
Namatay si Natalie makaraan ang ilang araw. Heart failure, sabi ng mga doktor.
NGAYON nga’y sampung taon na ang nakaraan. “Puprotektahan kita, hindi ka muling mahahalikan ng lalaking’yon, Natalie.†(ITUTULOY)