8 Feng Shui tips sa mga Estudyante Last Part

4--Kung may painting na bundok, ilagay ito sa bandang likod kapag nakaupo siya.

5--Iwasang magdispley sa study room ng waterfalls, lake at iba pang body of water, wild animals, baril at iba pang bagay na nagsasaad ng negatibong kaisipan.

6--Obserbahan ang study corner o study room ng inyong anak: May nakatapat bang air-conditioner o exposed overhead beam na nakatapat sa kanya? Kagaya ng poison arrow, ito ay lumilikha ng “bad killing energy.”

7--May katabi bang puno ang kuwarto ng inyong anak? Sana wala. Nakasisira ito sa concentration ng bata.

8--Maglagay ng crystal globe sa north-east ng salas, study room o bedroom ng bata para suwertehin siya sa pag-aaral.

 

 

Show comments