ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na nakuha ng bandang “Beatles” ang kanilang pangalan mula sa pelikulang “The Wild Ones”  kung saan ang grupo ng mga kababaihan dito ay tinawag na “beetles”. Pinalitan lang ng “ea” ang “ee” sa pangalang ito. Ang kantang  “Hey Jude” ng Beatles ang pinaka-popular na single album nito. Noong 1972, ang “Let it be”  ang unang kanta na naipalabas ng Beatles sa Soviet Union. Si Paul MacCartney ay kaliwete, kaya naman kahit tumutugtog siya ng bass guitar ay kaliwang kamay niya ang kanyang ginagamit sa pagkalabit nito habang si Ringo naman ay kaliwete rin na pinaniniwalaang dahil dito ay nagkaroon siya ng original na pagtugtog ng drums.

Isa ang “monkey-eating eagle” sa mga uri ng agila na ngayon ay itinuturing ng endangered dahil sa patuloy na pagkaubos nito. Nakatira ang ibon na ito sa kagubatan ng Isabela, Samar, Leyte at Mindanao. Nakakahalintulad nito ang Harpy eagle ng Papua New Guinea. Kumakain ito ng ahas, pusa at unggoy.

Show comments