Ang 7 Archangels ay sina : 1) Michael, 2) Raphael, 3) Gabriel, 4) Uriel, 5) Chamuel, 6) Jophiel, and 7) Raguel.
Archangel Raphael—Kilala siya sa kanyang healing abilities. Tinutulungan niyang gumaling, hindi lang ang mga tao kundi pati mga hayop sa kanilang sakit. Hilingin kay Archangel Raphael na pagalingin niya tayo ng green light. Gawin ito tuwing gabi bago matulog. Gamitin ang inyong imagination na ang buo mo ng katawan ay binabalot ng green light o kaya ay nakalubog ka sa tubig na kulay green.
Tumutulong din siya para matagpuan ang nawawalang alagang hayop, matanggal ang pagiging adik sa kahit anong bagay o tinutulungan niya ang mga naulila na maka-recover pagkaraang pumanaw ang mahal sa buhay.