Mag-day-off - Kung sobra ang mga nararamdamang pananakit, mag-dayoff, hindi kailangang puwersahin ang sarili. Itulog kung kulang sa tulog. Magpahinga rin pag may time.
Manood ng t.v/videos - Makakatulong ang panonood para ma-relax ang isip.5
Mag-exercise - May mga yoga exercises para sa menstrual cramp. Subukan itong hanapin sa youtube para masubukan. Kung hindi naman ay makakatulong ang speed-walk o light jogging.
Regular na magpalit ng napkin - Ipinapayong magpalit ng napkin kada apat na oras. Ito ay para hindi mairita sa napkin.
Heating pads - Maglagay ng heating pads o kung anumang mainit na bagay sa tiyan kung nakakaramdam ng stomach cramps.
Magsuot ng itim na pantalon - Iwasan ang mga puting pang-ibaba. Magsuot ng maluluwag na pantalon o shorts para maging komportable.
Gumamit ng pabango upang maitago ang singaw ng katawan. - Para maging kumpiyansa.
Hindi dapat mahirapan kapag may period. May mga paraan para ma-enjoy ito.