Ang pera ng iba’t ibang bansa ay nagtataglay ng mga larawan na bumubuo ng isang theme. Sinasabing may epekto rin ang larawan sa pera sa nagiging kapalaran ng bansa.
British pound—(front) Ang mismong larawan ng Queen sa 10-pound note ay nagdudulot ng good luck. Ang Queen na napaka-regal sa suot niyang alahas at tiara na nagpapalakas ng matriarchal energy. Sa likod ng pera ay makikita ang ibon na simbolo ng good luck at new opportunities. Ang larawan ng barko na mukhang patungo sa iyo (viewer), si Charles Darwin at round mirror ay pulos nagpapahayag ng magandang kapalaran.