Naghihintay sa wala

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Eliza. May bf po ako noong araw. Mula pa sa high school ay kami na. Pero nang mag-graduate siya sa college at nag-abroad sa US, naputol ang aming komunikasyon. Wala rin akong mapagtanungang kamag-anak niya dahil buong pamilya nila ay nag-abroad. Maraming lumiligaw sa akin pero ayaw ko pang makipag-bf sa iba at baka bumalik siya. Dalawang taon na kaming walang komunikasyon. Dapat pa ba akong maging loyal sa kanya at maghintay?

Dear Eliza,

Kung hindi man lang siya sumulat sa iyo ni minsan for the past 2 years, mabuting pag-aralan mo na siyang kalimutan. Kung tapat ang pag-ibig sa iyo ng iyong bf, high-tech na tayo at may e-mail. Mura na rin ang text message sa cellphone. Bakit hindi siya nakipag-communicate sa iyo? Wika nga, “kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan”. Dahil wala siyang panahon sa’yo, ituring mo siyang lumipas na kabanata ng iyong buhay at buksan ang iyong puso sa mga nanliligaw sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments