Kung galit na galit ka...

Narito ang huling bahagi ng paksa kung paano mo kokontrolin ang iyong sarili kapag ikaw ay galit na galit na.

Makipag-usap – Maaari mo naman kausapin ang taong iyong kagalit. Ngunit tiyakin na ang pakikipag-usap ay hindi mauuwi sa komprontasyon. Kung hindi mo kayang makipag-usap ng mag-isa ay  puwede ka naman na magsama ng isang mapagkakatiwalaang kaibigan na siyang magiging daan upang maiayos ang problemang namamagitan sa inyo.

Huminto sa paninisi – Walang tao na umaamin ng kanyang pagkakamali. Bakit hindi mo subukan na maging tapat sa iyong sarili at tingnan kung anong uri ng pag-uugali din mayroon ka. Suriin mo ang iyong sarili at kung sa tingin mo ay mayroong kang kontribusyon sa pagkakagalit ninyo ng iyong kaanak, kaibigan o ng iyong partner, dapat kang huminto sa iyong ikinagagalit.

Maglakad-lakad – Kung hindi mo mapigil ang iyong sarili, dapat ka munang maglakad-lakad upang mahimasmasan ka sandali. Sa pamamagitan nito ay mapapababa mo ang iyong “adrenaline”  na dumadaloy sa iyong dugo para ikaw ay magalit o magwala.

Show comments