Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Myka, 32 at may asawang malupit na sa matagal na panahon ay pinagtitiisan ko. Bukod sa pagiging babaero, sugaÂrol at lasenggo, ay sinasaktan niya ako. Laging may pasa at bugbog ang aking katawan. Kahit walang kabagay-bagay ay kinagagalitan niya ako at inaaway. Pitong taon na akong nagtitiis sa ugali niya dahil mahal ko siya at mayroon kaming dalawang anak. Pero napuno na talaga ako. Nang huling bugbugin niya ako ay nagsumbong na ako sa pulis at nakulong siya. Idinemanda ko siya. Subalit ngayo’y nakikiusap siya sa akin. Patawarin ko na raw siya at magbabago na siya. Gusto niyang mag-urong ako ng demanda. Dapat ko ba siyang pagbigyan?
Dear Myka,
Madaling magsabi ng “magbabago†pero kung tutuparin niya ‘yan ay wala kang katiyakan. Buhay mo ang nakataya. Baka dahil sa ginagawa mo ay buweltahan ka niya at lalong gulpihin. Mas makabubuting umiral ang batas. At kung posible, maaari kang magsampa ng annulment of marriage dahil ang ganyang pagmamalupit ng lalaki ay matibay na ground para pawalang bisa ang kasal.
Sumasaiyo,
Vanezza