May mga pagkain na pangontra sa muscle pain, pagkawala ng dugo at water retention o pananatili ng tubig sa katawan kapag may monthly period.
Bukod sa mga pagkaing mayaman sa calcium, complex carbohydrates at tubig, narito ang iba pang dapat kainin kapag may period.
Minerals: Ang potassium ay nakakatulong para mabawasan ang water retention. Ang sweet lime at pineapple ay mayaman sa potasium. Binabawasan din ng magnesium ang pakiramdam na bloated. Kumain ng beans at mani para sa magnesium.
Proteins: Ang protina ay nagbibigay ng energy na kailangan para magawa ang mga gawain sa araw tuwing may periods. Uminom ng gatas at kumain ng manok dahil may mahahalagang protina ang mga ito.
Vitamin B6: Ito ay kilalang pangontra sa depression. Ang pagkain ng saging at oatmeal sa umaga ay isang magandang paraan para simulant ang araw ayon sa mga nutritionist.
Iron: Importante ang iron dahil maraming nawawalang dugo sa ilang araw na menstrual perion. Kumain ng dates, beans at karne ngunit huwag sobra-sobra.