Kaliweteng mister

Dear Vanezza,

I’m Julianne, 24, may-asawa. Maaga po akong nag-asawa at may dalawa kaming anak. Maganda po ang trabaho ko at ang mister ko ay nasa abroad. Kaya lang ang problema ko po ay pinaaalis na ako ng aking mister sa trabaho. Buo na po sana ang loob ko na umalis sa aking trabaho hanggang sa madiskubre kong may ibang babae ang asawa ko. Natatakot po ako dahil baka kapag wala na akong trabaho ay lalo akong balewalain ng aking asawa. Anong dapat kong gawin?

Dear Julianne,

Mas mabuting hindi ka na muna umalis sa iyong trabaho dahil dapat mong isipin ang kapakanan ninyong mag-iina. Paano na lang kapag bigla ka­yong iniwan ng mister mo? Paano mo bubuhayin ang iyong mga anak. Dapat kang maging matatag sa panahong ito ng iyong pagsubok, manalangin ka upang bigyan ka ng lubos na katalinuhan ng Panginoon. Huwag mo din balakin na gawin ang ginawa sa’yo ng iyong mister dahil hihilahin ka lang nito sa pagkakasala. Subukan mo pa rin daanin sa mahinahon na pag-uusap ang inyong problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments