Paano mo siya masusungkit?

Paano mo ba makukuha ang atensiyon ng iyong “object of affection”? Maraming babae o lalaki ang hirap na hirap na magpapansin. Pero sa totoo lang, madali lang naman. Narito ang ilang paraan upang makuha mo ang kanyang atensiyon.

Makipag-eye contact – Isa sa pinakamabisang paraan upang makuha ang kanyang atensiyon ay sa pamamagitan ng pakikipagtitigan sa kanya. Hulihin lang ang kanyang mata ng ilang segundo, ngunit huwag masyadong sundan siya ng tingin  baka mapagkamalan ka naman niyang “stalker”.

Magkaroon ng kumpiyansa – Mas mapapansin ka niya kung ikaw ay may kumpiyansa sa sarili. Kapag naglalakad, iwasan ang ibaluktot ang iyong likod o maging kuba. Tiyakin mong tuwid ang iyong likod at nakataas ang iyong noo habang naglalakad. Maaari mong gawin ito kahit pa sa pakiramdam mo ay hindi ka naman gaanong maganda.

Humarap sa kanya kapag nakikipag-usap – Sa oras na magkaroon ng pagkakataon na makausap mo siya, tiyakin mong ikaw ay nakaharap sa kanya. Ang buo mong katawan ay iharap sa kanya. Magbibigay ito ng indikasyon sa kanya na ikaw ay interesado sa kanyang sinasabi. Laruin ang iyong buhok – Mabisa din paraan ang paglalaro ng iyong buhok habang nakikipag-usap sa kanya. Maaari mo itong paikut-ikutin sa iyong daliri hanggang sa medyo kumulot. Sa pamamagitan nito ay nagbibigay ka ng indikasyon sa kanya na ikaw ay masayahin at madaling makapalagayan ng loob.

Dumikit ng kaunti sa kanya – Maganda itong gawin kung kayo ay nasa isang lugar na maingay gaya ng party o bar. Kapag siya ay nagsasalita, puwede kang dumikit ng kaunti sa kanya para mas maintindihan mo anuman ang kanyang sinasabi. Kung magkadikit kayo, mas nagkakaroon ka ng “intimate moment” sa kanya.

Smile – Ang pinakaimportante at mabisa na pampaganda ay ang paglalagay ng ngiti sa iyong mukha. Ang pagngiti ay indikasyon na “welcome” siya sa’yo kaya naman magkakaroon siya ng lakas ng loob para ikaw ay lapitan at patuloy na kilalanin.

Show comments