1. Iwasan ang bagay na nakaka-stress
. Matutung magsalita ng “hindi†– Alamin mo ang iyong limitasyon at panindigan ito. Kahit ito’y sa iyong personal o sa trabaho, kailangan mong tumanggi sa mga idinadagdag na responsibilidad kung ito ay hindi mo na kayang gampanan. Ang pag-ako o pagtanggap responsibilidad na lampas na sa iyong limitasyon ay nagdudulot ng stress.
• Iwasan ang mga taong nagbibigay sayo ng stress- Kung ang isang tao ay nagdudulot sayo ng stress sa buhay at hindi mo maaaring iwasan dahil sa inyong relasyon , limitahan ang oras na ginugugol mo o kaya putulin na ang anumang namamagitan sa inyo.
• Kontrolin ang iyong paligid o sitwasyon- Kung ang balita sa telebisyon ay nagdudulot sayo ng pagkabalisa isara mo na ito. Kung ang trapik ay nakapagdudulot sayo ng pagkainis, humanap ng malayong daan pero mas maliit na kunsumo ng oras. Humanap ng paraan na makontrol ang sitwasyon upang maiwasan ang hindi magandang pakiramdam na nagdudulot ng stress.
• Iwasan ang maiinit na paksa-Kung ikaw ay naiinis o hindi comportable sa paksa tungkol relehiyon, politika ay ibahin mo na lang ang paksa. Kung ikaw ay paulit-ulit na nakikipagtalo sa parehas na paksa, marapat na huminto at gumawa ng dahilan upang makaiwas sa mainit na dayalogo.