Prediksiyon base sa Nunal (8)

Nunal sa noo--- Magiging mayaman.

Kung nasa kanan ang nunal at malapad ang noo---Magiging mayaman, sisikat ang pangalan, ibabahagi ang kayamanan sa nangangailangan.

Kung kaliwa at makipot ang noo---Mayamang madamot kaya hindi magiging maganda ang tingin sa kanya ng mga tao.

Nunal sa kanang sentido---Maagang pag-aasawa, biglaang pagyaman at sa mga lalaki, magandang misis. Hindi binanggit kung ang babae ay guwapong mister ang makukuha.

Nunal sa kaliwang sentido---Maagang pag-aasawa at biglaang pagyaman ngunit mauuwi rin sa paghihirap dahil malulugi sa negosyo. At nasa kapalaran na kainisan lagi siya ng mga tao.

Itutuloy

Show comments