Mag-ama sa ibabaw ng tulay

Panaginip: Mula sa aking kinatatayuang bahay ay natatanaw ko ang aking asawa at anak na lalaki (9 years old) na nag-uusap sa ibabaw ng tulay. Itinuturo ako ng aking anak na parang gusto niyang pumunta sa kinaroroonan ko pero mukha siyang pinipigilan ng aking asawa at itinuturong pumunta siya sa ibang lugar. Nag-iyak ang aking anak at narinig ko iyon kahit malayo kami sa isa’t isa.---LLQ241

Interpretation: May desisyong gagawin ang iyong anak. Ginagawa ng iyong asawa ang lahat para maturuan ang iyong anak na maging independent at umukit ng sarili niyang landas patungo sa tagumpay.

Show comments