Prediksiyon base sa Nunal (4)

Nunal sa tenga (kahit saan parte)---Masuwerte sa hanapbuhay at may patungo sa pag-angat ang buhay. Kaya lang matutong mag-ipon ng pera dahil may tendency na maging gastador. Mag-ingat sa tubig, delikadong malunod.

Nunal sa likod ng tenga---Kung lalaki, makakapag-asawa ng mayamang babae.

Nunal sa kanan ng ilong---Kumikita ng malaki sa kaunting effort lang.

Nunal sa kaliwang ilong---Nasasadlak sa prostitution.

Nunal sa bridge ng ilong---Nahihirapan sa paghahanap ng trabaho at laging walang pera.

Nunal sa ibabang bahagi ng ilong---“Mahilig” kaya nagkakaroon ng maraming anak.  (Itutuloy)

Show comments