Alam n’yo ba na ang peach ay miyembro ng rose family. Una itong naitanim sa China at ginawa nilang simbolo ng pagkakaroon ng mahabang buhay. Ang prutas na ito ang ginawang pambansang prutas ng South Carolina at pambansang bulaklak naman ng Delaware. Ang Johnston, South Carolina ay kilalang Peach Capital of the World. Kilala rin ang peaches bilang pampakain sa baboy at ginagamit din sa paggawa ng brandy. Ang pakikipag-break sa iyong partner ay posibleng makapagdulot sa isang tao ng “heart attackâ€? Sa isang pag-aaral, kapag ang tao ay nakakaranas ng problemang emosyonal, tumataas ang stress hormones sa kanyang katawan. Ngunit ang ganitong uri ng sakit sa puso ay agad naman na bumabalik sa normal. Ang puso ng isang pangkaraniwang tao ay pumipintig ng halos 35 milÂyong beses sa loob ng isang taon. Kahit natutulog ang tao, ang heart muscles nito ay nagtatrabaho ng doble sa leg muscle ng isang taong tumatakbo. (www.foodreference.com)