Nais ng makipaghiwalay sa bf

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Merle, 22, single at may bf na seaman. Nakilala ko ang nobyo ko sa birthday party ng aking kaibigan. Siya ay 27 years old at may dalawang taon na kaming mag-on. Nakakatawa pero halos limang buwan lang kaming nagkikita ng personal dahil mas madalas siyang nasa dagat. Sabi niya ay pitong taon muna siyang maglalayag para makaipon. Recently ay may nakilala ako at nililigawan niya ako ngayon. It’s a strange feeling na parang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Sa tingin ko ay in-love ako sa kanya. Paano ako makikipagkalas sa aking bf? Natatakot kasi ako na mag-suicide siya na madalas niyang sabihin noong magkasama kami.

Dear Merle,

Mabuti nga’t umibig ka sa iba nang hindi ka pa kasal sa isa mong bf. Mas masama kung mangyayari iyan kapag kasal na kayo. Isa pa, may kasa­bihang mas mabuting magsabi nang totoo kaysa magsinungaling na higit na makakasakit sa taong pinaglilihiman mo. Kung talagang hindi mo na mahal ang bf mong seaman ay sabihin mo na ang totoo sa kanya kaysa paasahin pa siya.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments