Prediksiyon base sa Nunal

Maaaring hulaan ang mangyayari sa buhay ng tao base sa puwesto ng nunal:

Nunal sa braso (arms)—Ang taong may nunal sa kahit saang parte ng braso ay kadalasang magalang, masikap at makakaranas ng masayang buhay may-asawa. Ngunit kung ang nunal ay malapit sa siko at siya ay lalaki, maaga siyang mabibiyudo. Kung babae naman ang may nunal malapit sa siko, ang magiging major problem niya ay tungkol sa kanyang hanapbuhay.

Nunal sa bisig (forearm: mula sa pinagka­kabitan ng kamay hanggang siko)—Ang taong may nunal sa bisig at malapit ito sa siko, magiging abala siya sa pagbibiyahe, local man o abroad.

Nunal sa ilalim ng kaliwang braso, malapit sa kilikili—Maghihirap sa kanyang kabataan ngunit makakamit ang maginhawang buhay pagtanda niya.

Nunal sa ilalim ng kanan braso, malapit sa kilikili—Maging mapagmatyag at alisto sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang kapahamakan

Itutuloy

Show comments