Alam n’yo ba na “sericulture†ang tawag sa pagpapadami ng silk? Kung bibisitahin mo ang lugar na kung saan pinadadami ang mga silkworms, sasakit ang tenga mo dahil ang kanilang ingay ay gaya ng isang malakas na ulan na bumabagsak sa bubong ng bahay. Ang ingay na ito ay dahil sa kanilang pagnguya ng dahon ng mulberry. Kinakailangan ng 30,000 silkworms para makagawa ng 12 libra ng silk. Ang pagtulog sa unan na may telang silk ay nakakatulong para hindi agad magkaroon ng “wrinkles†ang iyong mukha. Ito ay dahil sa taglay na amino acids ng telang ito. Mahusay din ang telang silk sa buhok, kaya naman kung tingin mo ay mayroon kang “bad hair dayâ€, subukan mong ikuskos sa telang silk ang iyong buhok.