^

Para Malibang

‘Acupuncture’ (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ang acupuncture ay ang pagtusok ng karayum sa balat sa papamamagitan ng tuyong karayom sa iksaktong lokasyon na tinatawag na acupuncture point. Ang acupuncture ay ginagawa ng mga propesyunal na mga manggagamot sa mga medical na karamdaman. May iba’t ibang paraan ng acupuncture katulad ng pagpapadaan ng electric current sa karayum ​​(electro Acupuncture), init (moxibustion) at pagpisil (acupressure). Ang acupuncture ay nagsimula sa Tsina mahigit  2000  taon na ang nakalilipas. Ngayon Ito ay ginagawa na sa buong mundo, katulad ng Amerika, Korea, at iba pang  panig ng mundo.

Paano ba gumagana ang Acupuncture ?

Ang pangunahing konsepto ng acupuncture  ayon sa sinaunang teyorya ay pag daloy ng  ener­hiya  na nasa loob ng ating katawan ay pinala­lakas upang magkaroon ng balanse at maayos na kalusugan. Ang enerhiya na dumadaloy sa ating katawan ay tinatawag na Qi (chee) na dumadaloy sa 12 pangunahing lagusan sa ating katawan na tinatawag namang “meridian”. Ang mga meridian ay nagrerepresinta ng mga mahahalagang organ at tungkulin nito sa ating katawan bagamat hindi ito dumadaan sa mga eksaktong ugat o sa daluyan ng dugo.  Ang mga siyentipiko ay sumubok na ipalawanag ang aktuwal na epekto ng acupuncture sa katawan ng tao. Ang acupuncture ay nagbibigay ng chemical na nakakawala ng nararamdamang hapdi o sakit na tinatawag na endorphins at serotonin. Ito rin ay nakakatulong na mabawasan hapdi dulot ng pamamaga sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pituitary gland na naglalabas ng cortisol, hormone na kilala upang mabawasan ang pamamaga.

ACUPUNCTURE

AMERIKA

NGAYON ITO

PAANO

QI

TSINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with