NAKABAWI agad sa pagkabigla si Richard Dineros, inalis ang takot sa bagong dating na lalaking may malalaking pakpak. Itim na itim ito maliban sa mukha; hindi pa niya mamukhaan dahil nakatalikod sa ilaw mula sa labas ng classroom.
Ang alam ni Richard, nakatitig ito sa kanya, palapit. Black Angel ang anyo nito, pero tiyak ni Richard na hindi tunay.
“Naka-costume lang ang lalaking ito. Nais sigurong magbiro,†sa loob-loob ni Richard. “Kakilala ko kaya ang ulul…?â€
Nang halos 6 feet na lang ang layo, malinaw nang nakita ni Richard ang mukha ng lalaki.
Hindi pala ito kabataang estudyante; tingin niya’y 40s na, hanggang balikat ang buhok. Dramatiko ang guwapo nitong anyo, tipong artistahin.
Humanga si Richard sa suot nito. “P’re, super-realistic ang get-up mo, pati mga pakpak -- parang totoo! Part ka ba ng isang visiting theatre group?â€
Walang salitang naupo sa tabi ni Richard ang istranghero. Napansin agad ng binatang estudÂyante na pati sapatos nito ay kakaiba—tipong one-of-a-kind, ewan kung sa anong material gawa.
“Hello, narinig mo ba ang sabi ko? Ang galing-galing ‘ka ko ng costume mo—parang totoo kang black angel, p’re.â€
Nakatingin lang kay Richard ang istranghero. Ewan kumbakit hindi nagsasalita. Pipi ba ito? Baka bingi? Or both?
Biglang tumayo ang istrangherong may dalawang pakpak, tinungo ang blackboard sa harap ng classroom.
Nakahagilap ng chalk, nagsulat.
Binasa agad ni Richard. “I’m a real Black Angel.. May misyon ako.â€
“Wow! Iba ka ring gumimik, ha, p’re! Orig na orig!†Aliw na aliw si Richard. “Bravo!â€
Biglang dumating ang security guard na may bungkos ng susi, natanaw sa last row si Richard. “Dineros, magsasara na ako ng room, makilabas ka na.â€
“Okay, kuya guard,†tango ni Richard, tinapunan ng tingin ang bantay. “Palabasin mo na rin itong kasama kong…â€
Hindi naituloy ni Richard ang sasabihin. Kasi’y wala na sa harap ng blackboard ang Black Angel. ITUTULOY