Ito ay karugtong ng paksa kung paano aalisin ang stress sa iyong katawan. Narito pa ang ilang hakbang:
Huwag maging makakalimutin. Dapat na magkaroon ng disiplina sa katawan. Kung sa tingin mo ay talagang nagiging makakalimutin ka na, bakit hindi subukan na magkaroon ng daily journal? O ‘yun paglilista ng mga bagay na iyong ginagawa sa araw-araw. Maging disiplinado din sa pagtatago ng mga personal na gamit. Bakit ka ba nai-stress kapag gagamit ka ng ballpen? Kasi kung kailan mo ito kailangan, hindi mo naman alam kung saan mo ito nailagay. Ang resulta, mai-stress ka na sa paghahanap pa lang nito. Maging organisado at tiyak na hindi ito magpapahirap sa’yo.
“Past is past†– Sayang lang lahat ng iyong energy sa katawan kung pipilitin mong mabuhay sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa iyong nakaraan. Kalimutan mo na ito at tingnan na lang ang leksiyong naidulot nito sa’yo. Harapin ang kasalukuyan at tingnan ang magandang maidudulot nito sa’yo sa kinabukasan.
Ehersisyo. Hindi isang sikreto na ang ehersisyo ay mainam na panlaban sa anumang uri ng stress. Ngunit ang pag-eehersisyo mismo ay mistulang stress din sa iba. Kapag stressed ang isang tao, karaniwan itong nawawalan ng gana sa maraming bagay. Lalo na ang paggalaw ng katawan o maski pag-akyat-baba ng hagdan. Mas gugustuhin pa ng ilan na magsuot ng pajama at matulog sa sofa kaysa mag-jogging pants at mag-ehersisyo sa gym. Ang ehersisyo at stress ay dalawang magkaibang bagay. Nag-uumpugan ang mga ito sa buhay ng tao. Ang pag-eehersisyo nang regular ay makakatulong sa pagpapatibay ng immunity at resistensya. Binabawasan nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng malalalang sakit gaya ng diabetes, stroke, heart disease, at marami pang iba. Hindi solusyon ang pagda-diet. Moderation lang ang susi sa lahat ng ito. Masama ang sobra. Maglakad ka, tumakbo, mag-bike, o mamasyal kasama ng pamilya. Galaw-galaw para hindi ma-stroke!
Iwasan ang caffeine - Bahagi na yata ng buhay ng maraming tao ang pagkakaron ng caffeine sa katawan, partikular na ang pag-inom ng kape dahil ito ay mabisang pampagising. Pero, sa totoo lang, ang pag-inom ng 2-3 tasa ng kape ay nagpapadami ng bilang ng cortisol hormone sa iyong katawan. Ang cortisol ay isang stress hormone at nagdadala ito ng nerbiyos sa halip na maging alero. Mas mabuti pang uminom na lang ng malamig na tubig kapag nakakaramdam ng pagkaantok.